Kandidato sa pagka-Mayor ng Albuera na si Kerwin Espinosa, binaril habang nangangampanya
Mary Jane Barrera Ipinost noong 2025-04-10 19:01:44
Abril 10, 2025 — Inanunsyo ni Carl Kevin Batistis, kandidato sa pagka-konsehal ng Albuera, Leyte, na binaril si Kerwin Espinosa, kandidato sa pagka-mayor ng Albuera, ng mga hindi kilalang gunmen habang nangangampanya sa Brgy. Tinag-an, Albuera ngayong hapon.
Si Espinosa, na dating tinukoy bilang isang umano'y drug lord, ay inaresto noong Duterte administration. Nagbigay siya ng testimonya laban kay dating Senador Leila de Lima sa kanyang mga drug-related cases—isang testimonya na kalaunan ay binawi niya.
Matapos ang kanyang acquittal, inihayag ni Espinosa ang kanyang intensyon na tumakbo bilang mayor ng Albuera, ang parehong bayan na minsang pinamunuan ng kanyang yumaong ama, si Rolando Espinosa Sr., na binaril at napatay ng mga CIDG policemen sa loob ng kanyang jail cell sa Baybay City noong 2016.
Larawan: Brigada News FM CEBU/Facebook
